ANG BUHAY SA MAYNILA
Mga tauhan
• Myrna-ang pangunahing tauhan
• Shyla-ang kakalse ni myrna
• Tatay Miguel-ang ama ni Myrna
• Nanay Esther-ang ina ni Myrna
• Berting-isang driver ng taxi
• Aisa-ang babaeng nakatrabaho ni Myrna
• Paul
• Don Rodrigo
• Donya Sharonita
• Martin
• Mystica
• Sarah
• Pedro
• Chenee
• Boss Merk
• Betty
Narrator: Si Myrna ay isang simpleng dalaga, nagmula lamang siya sa isang mahirap na pamilya ngunit punong-puno siya ng pangarap sa buhay. Gusto niyang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at gusto rin niyang makapag-aral sa mga unibersidad sa maynila.Isang araw sa kanilang paaralan.
Myrna:Alam mo shiela balang araw magiging mayaman rin ako.
Shyla:Owss…talaga? Panu naman? Hindi ka nga makakapag-aral sa kolehiyo eh..
Myrna: Hindi lang naman sa pag-aaral magiging mayaman ka eh!
Shyla: paano?
Myrna: Pupunta ako sa maynila para magtrabaho. Doon makakaipon ako nang marami raming pera..
Shyla: Paano ka makakapunta sa maynila? Ayaw ka ngang payagan ng nanang at tatang mo na pumunta sa maynila.
Myrna: Alam mo shiela may kasabihan nga tayong “if theres a will theres a way”
Narrator:Gustong gusto talaga ni Myrna na makapunta sa maynila upang magtrabaho. Naniniwala siya na doon sa maynila mabubuo niya lahat ng kanyang mga pangarap.
Dumating na ang pinanabikang araw ni myrna, ang araw ng kanyang pagtatapos sa haiskul.
Myrna: Nang, Tang, ngayong nagtapos na ako sa haiskul, gusto ko pong makatulong sa inyo sa pagbuhay sa aking mga kapatid.
Nanay Esther: anong ibig sabihin mo anak?
Myrna:Gusto ko pong magpunta sa maynila upang maghanap ng trabaho..
Tatay Miguel:Anak! Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay sa maynila?
Myrna: Tang..alam ko po. Pero kakayanin ko po doon para lang makatulong ako sa inyo ni nanang. Hindi nap o kasi sapat ang kita nyo sa bukid para makapag-aral ang aking mga kapatid, Tang , Nang, Payagan na ninyo po ako?
Tatay Miguel: Kung yan ang kagustuhan mo anak, wala na kaming magagawa ng nanang mo. Wala naman kaming sapat nap era para mapag-aral kayo sa mga magagandang unibersidad.
Nanay Esther: Basta anak mag-iingat ka doon sa maynila.
Myrna: opo nang, tang, wag po kayong mag-alala
Narrator: Dali-daling inasikaso ni myrna ang kanyang mga gamit para makapunta agad sa maynila. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging buhay niya pagdating doon. Ang buong akala niya ay pagdating niya doon makakakita kaagad siya ng trabaho subalit nagkamali siya. Doon niya nalaman na mahirap talaga ang buhay sa maynila at halos lahat ng tao ay naghihirap.At limang daang peso lamang ang kanyang baon.
At habang siya ay nagbabyahe ay ito ang nangyari ……
Myrna: Hai.. salamat at sa wakas makakapunta na ako ng maynila…ah,,pagdating na pagdating ko doon tatawagan ko kaagad sila nanang at tatang at pati narin ang mga kapatid ko..pero panu ko naman sila matatawagan eh wala naman akung cellphone…Pagkatanggap na pagkatanggap ko ng ng aking unang sweldo ibibili ko talaga ng cellphone yong w/ cam at ibibili ko rin sila nanang at tatang pati narin ang mga kapatid ko yong latest model ngayon sa nokia…
Narrator: Dahil sa sobrang pag-iisip ni myrna hindi na niya namalayan na dumating nap ala siya sa terminal. At ito ang nangyari..
Myrna: ito pala ang maynila. Ang laki pala, ang daming sasakyan at ang laki-laki ng mga gusali.Ipagmamalaki ko talaga ito sa aming probensya.
Berting: Miss..miss.. sasakay ka ba?
Myrna: Oo.. manong saan po ba ang Quiapo?
Berting: Gusto mo bang ihatid na kita?
Myrna: sige manong..
Narrator: Sumakay siya sa taxi, hindi niya alam na manloloko pala si berting at inikot-ikot lang siya sa maynila, hindi siya nakarating sa Quiapo. Hanggang sa naubos na ang kanyang pera.
Myrna: Manong berting saan ba talaga tayo pupunta?
Berting: wag kang mag alala miss malayo kasi ang Quiapo.
Myrna: Pero nagtataka ako manong parang paikot-ikot lang tayo, niloloko mo ba ako?
Berting: Miss naubusan na tayo ng gasoline hindi na kita maihahatid patungong Quiapo….
Myrna: magkano po ang babayaran ko manong?
Berting: 450 miss……
Myrna: ha? Bakit ang laki at hindi pa ako nakarating sa Quiapo.
Berting: alam mo miss mahal talaga ang taxi.ganito talaga ang buhay dito’
Myrna: ganun ba manong, eh panu po ako makakarating sa Quiapo?
Berting: maglakad ka nalang miss…
Myrna: panu na ito. Limampong peso nalang ang natira sa pera ko..
Narrator: Habang naglalakad si myrna ay nakaramdam siya ang gutom at naghanap siya ang makakainan,at sa pagkain niya ay may nakita siyang karatola,
Myrna: WANTED HELPER??? Makapagtanong nga
Miss…….pwede po bang magtanung? Sino po ang nangangailangan ng katulong?
Chenee: Ah… bakit miss..gusto mong magtrabaho? Halika pasok ka…..
Narrator: Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natanggap siya bilang katulong sa mansion ng Sebastian Family…ang mag-asawang Don Rodrigo at Donya Francia at ang kaisa-isang anak na si Martin. At ito ang nangyari…
Myrna: Sa wakas may trabaho na ako at ang gwapo gwapo pa ng anak ng amo ko…..
Martin: Myrna halika nga? Are you the new maid here?
Myrna: A…..N….O…… po senyorito?
Martin: Ah.. I forgot hindi ka nga pala nakakaintindi ng English.
Myrna: Hindi po sa ganun senyorito mayroon naman po akong nalalaman tulad ng what is your name? Where do you live?How are you? Im fine thank you..
Martin: HAHAHAHAHAHA… You are so funny.. you know what I like you….
Myrna: Ano po senyorito you like me?
Martin: Oo gusto kita..
Narrator: Namula si Myrna sa sinabi ni Martin at dahil doon umusbong ang kakaibang damdamin sa puso ni Myrna para kay Martin. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ni Martin, sinakyan niya ang bawat pagpapa cute ni Myrna tuwing uutusan niya ito…Isang araw ay nagkausap silang dalawa sa harden. At ito ang nangyari..
Martin: Myrna may ipagtatapat ako sayo…
Myrna: Ano po yun senyorito?
Martin: Noong una palang kitang nakita alam ko na ikaw na ang babaeng matagal ko nang hinihintay…
Myrna: Pero senyorito isa lamang po akong hamak na katulong.
Martin: Myrna hindi hadlang ang estado natin sa buhay ang importante ay nagmamahalan tayo.
Myrna: Ang ibig bang sabihin ta-yo na?
Narrator: Tinago nilang dalawa ang kanilang relasyon dahil sa kagustuhan ni Martin na makuha ang kanyang iniingatang dangal. Hindi alam ni Myrna na niloloko lamang siya ni Martin.
Martin:Cge na myrna kung mahal mo talaga ako ibibigay mo ang lahat-lahat sa akin.
Myrna: Pero martin panu kung malaman ng mama at papa mo at panu kung mabuntis ako?
Martin: Wag kang mag-alala myrna pananagutan at ipaglalaban kita sa aking mga magulang.
Narrator: Sa kasamaang palad nabuntis si myrna at nalaman ito ng mga magulang ni martin. At ito ang nangyari.
Donya Sharonita: Lumayas ka ditto ipokrita,hampas lupa,patay gutom, ambisyosa kang babae ka inakit mo ang anak mo para maahon ka sa kahirapan layas ngayon din…layas ,…layas…
Myrna: Pero senyorita mahal po ako ng anak niyo at nagmamahalan po kaming dalawa at nagbunga poi to buntis po ako…
Martin: Wag kang maniwala sa kanya mama..! sinungalaing ang babaeng yan, inakit niya ako.
Myrna: Hindi totoo yan martin, sinabi mo sa akin na pananagutan at ipaglalaban mo ako.
Martin: Ambisyosa ka talaga hindi ko sinabi yan sayo. Ang kapal ng mukha mo. Lumayas ka dito ngayun din. Ayoko ng Makita ang pagmumukha mo. Layas.
Myrna: Sinungaling ka martin niloko mo lang ako pinaasa at pinaluha, tandaan mo baling araw babangun ako at dudurugin kita, tinimbang ka man ngunit kulang.
Don Rodrigo: Anung nangyari dito?
Donya Sharonita: Yang babaeng yan ay inakit ang anak mo.
Martin: Oo Papa.. kaya simula ngayon hindi na siya magtatrabaho ditto..kaya ikaw babae ka magsimula ka nang magbalut at umalis kana ngayun din..
Narrator: Umalis si myrna sa mansyun na may hinanakit at umiiyak hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nagpalaboy-laboy na lamang siya sa kalye, walang kain hanggang sa nahimatay siya…at may nakakita sa kanya isang babae galing sa bar..at ito ang nangyari…
Aisa: Anu yun tao? Oh may…..tao nga….anu nangyari sa kanya? Di bali dadalhin ko siya sa painagtatrabahuan ko, maganda naman siya,sexy. Sigurado ako na matatanggap siya…….ayun si manung….. manung I need your help?
Paul: Bakit anung nangyari sa kanya?
Aisa: Wag ka nang maraming tanung manung kita mu na ngang hinimatay siya..
Paul: Ganun ba miss…tutulungan na kita.
Narrator: Dinala nila ito sa bar, at pagkagising ni myrna ay ito ang nangyari.
Myrna: Nasaan ba ako? Anung lugar ito? Bakit maingay? Bakit ako napunta dito?
Aisa: O gising ka nap ala. Halikaq sumama ka sa akin.
Myrna: san tayo pupunta?
Aisa: basta, watch and learn.
Mryna: baka saan mo ako dadalhin?
Aisa: tika, ano ba ang pangalan mo?
Myrna: ako? Myrna.
Aisa: tayo na myrna.
Narrator: sumama si myrna kay aisa. Dinala siya ni aisa sa kanilang boss.
Boss Merk: o andito na pala ang bago nating recroute.
Myrna: ano po?
Aisa: myrna magtatrabaho ka ditto bilang isang dancer o mas higit pa.. sila ang mga kasama natin, siya si Mystica at Milka..
Mystika: hi darling, welcome to the big show.
Milka: sige na, magbihis kana myrna.
Myrna: ha? ok naman tong damit ah.
Mystika: anong ok?...heller.. magbihis kana, dumating na ang mga costumer.
Milka: sige na Myrna.
Narrator: nagbihis na si myrna at napilitan siyang sumayaw sa entablado na pinagsisigawan ng mga lalaki. Ilang buwan rin niyang trabaho yun hanggang sa unti-unti nang lumaki ang kaniyang tiyan…At sa trabahong iyon nakaipon siya para sa kanyang panganganak at pagbili ng kaniyang bagong cellphone at pati narinsa kanyang pamilya. Isang araw tumawag siya sa kaniyang pamilya.
Myrna: sana sagutin nilan nanang at tatang.
Nanay: hello myrna anak, kumusta kana?
Myrna: nay sorry po hindi ko po natupad ang pangarap ko sa buhay dahil mahirap ang buhay sa maynila,sa totoo lang po inang nagsisisi po ako dahil hindi pala sa Maynila ang katuparan ng aking mga pangarap, nagkamali po ako.. patawarin ninyo po ako nang at tang at sa mga kapatid.
Nanay: umuwi kana ditto anak.
Narrator: umuwi si myrna sa kanilang probinsy dala sa kaniyang nasa sinapupunan. Dala and kaniyang pighating naranasan sa maynila. At ito ang nagyari:
Carren: yehey, daratting na si ate,.. ang dami ko sigurong pasalubong…
Betty: nang, tang andito nap o si ate.
Nanay: o myrna. Kumusta ang biyahe.. anong nangyari sa tiyan mo? Bakit lumaki siya?
Carren: ate naenkanto kaba sa maynila?
Tatay: anong nangyari sa iyo anak?
Myrna: nang, tna, patawarin ninyo po ako, akala kop o matutupad po ang pangarap ko pero ang lahat ng itoy naglaho.. ang hirap ng buhay sa maynila at mahirap kumita ng pera, kailangan ko pang sumayaw sa harap ng maraming tao. Patawarin ninyo po ako at nang may sasabihin pa ko ako, buntis po ako!
Tatay: anak. Ang akala ko bay maganda ang iyong trabaho sa maynila, anong nangyari sa iyo ngayon?... ang taas ng pangarap namin ng inang mo.
Myrna: tang, nanag marami po akong naranasang hirap at pasakit sa maynila… hindi ko po kinaya ang mga pagsubok at hindi naipaglaban ang aking karapatan. Nakagawa ko ako ng mga pagkakamali at labis ko pong pinagsisisihan. Patawarin ninyo po ako, kung hindi po ako maging mabuting anak, maiintindihan ko po kung ayaw ninyo akong tanggapin, at aalis nalng ako.
Nanay at Tatay: myrna sa kabila ng iyong pagkakamaling nagawa hindo ka naming kayang itakwil dahil anak ka parin namin, dugo at laman. Wag ka nang umalis hindi ka naman namin pinapaalis.
Carren: oo ate, wag kanga umalis… hindi ako papayag.
Myrna: salamat nang, tang amhal na mahal kop o kayo…
Pedro: Miguel, pare magandang balita.
Tay Miguel: ano yun pare?
Pedro: nanalo ka sa lotto…
Tay Miguel: talaga…? Hindi ako makapaniwala, mayaman na tayo mga anak…
Carren: yeyey……..
Narrator: hindi inaaasahan ng pamilya ang biglaang pag-asenso ng kanilang buhay. Nagpatayo sila ng sariling restaurant. Nakatapos si Myrna sa kursong Hotel Restaurant and Management sa isang unibersidad. Lumago ang kaniyang negosyo at siya ang namahala nito. Panahon na ito para sa kaniyang matamis na paghihiganti sa pamilya Sebastian. Samantala ang pamilyang Sebastian naman ay humaharap sa malaking krisis sa kanilang mga negosyo. Kaya unti-unti silang naghirap at kailangan na nilang ipagbili ang kanilang mga ari-arian. Si Myrna ang nakabili sa lahat ng kanilang mga ari-arian, at simula nuon ay namuhay na siya ng masagana at payapa kasama ang kaniyang pamilya at kaniyang nag-iisang anak na si baby Uleh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment